Ipiprisenta ni Michael Jordan si Los Angeles Lakers legend Kobe Bryant sa idaraos na Naismith Memorial Basketball ‘Hall of Fame’ sa Mayo.
Gayundin ang gagawin nito kay women’s basketball coach Kim Mulkey. Ang ceremony ng Class of 2020 ay isasagawa sa May 15 sa Mohegan Sun Arena sa Connecticut. Naudlot ang okasyon noog nakaraang taon dahil sa pandemic.
Itinuturing ng NBA legend at 6-time NBA champion si Kobe bilanng ‘little brother’.
“Kobe was my dear friend, he was like a little brother,” Jordan said at the time. “When Kobe Bryant died, a piece of me died. From this day forward, I will live with the memories of knowing that I had a little brother that I tried to help in every way I could,” ani Jordan.
Makakasama ni Bryant sa Hall of Fame ang ilang legends ng basketball. Kabilang si 15-time All Star at 3-time NBA Finals MVP Tim Duncan.
Gayundin si Minnesota Timberwolves at Boston Celtics icon Kevin Garnett. Iluluklok din si 4-time Olympic gold medalist Tamika Cathings at 2-time NBA champion coach Rudy Tomjanovich.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na