Sasagupa si Michael Dasmariñas kay triple-division bamtamweight champ Naoya Inoue sa June 20 sa Virgin Hotel sa Las Vegas, Nevada.
Puntiya rin ng 2 Pinoy pugs ang WBA, IBF at The Ring World Bantamweight Champion. Una rito ay si bantamweight icon John Riel Casimero. Ikalawa ay si newlyminted WBC champion Nonito Donaire Jr.
Pero, bago humarap ang dalawa kay Inoe, haharapin muna siya Dasmariñas.
Sa ngayon ay nagti-training si Michael sa Wild Card Gym para rito. Kasama rin niya sa training si Tacy Macalos at Vilma Acosta.
Unang beses na lalaban sa United States si Dasmariñas. Ang ibang laban niya sa ibayong-dagat ay sa South Africa. Meron siyang boxing record na 30-2-1, 20KOs.
Huling siyang umupak noong October 2019. Kung saan, tinalo niya si Artid Bamrungauea sa Valenzuela City.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!