Naipuwersa ng Miami Heat ang do-or-die Game 7 sa Eastern Conference Finals. Ito’y matapos tustahin ang Boston Celtics sa Game 6, 111-103. Naitarak rin ng team ang 3-3 kartada sa series.
Bumira ng monster performance si Jimmy Butler na nagtala ng 47 points. Kasama na rito ang 9 boards, 8 assists at 4 steals. Nagdagdag naman si Kyle Lowry ng 18 points at 10 assists.
Sa panig naman ng Boston, kumana si Jayson Tatum ng 30 points at 9 boards. Habang si Jaylen Brown ay nag-ambag ng 20 points, 6 boards at 5 assists.
Simula sa una ang second quarter,kapwa di nagpapaiwan ang dalawang teams. Pero, nasa Heat ang momentum. Bitbit nito ang 2 point lead sa first half, 48-46. May produksyon na agad sa first half na 30 plus points si Butler.
Pagsapit ng third quarter, pukpukan uli ang laban. Rumatsada sa opensa ang Miami at lumamang pa ng 12 points. Ngunit, nakaalpas ang Celtics sa fourt quarter baon ang 97-94 lead. Pero, muling nakatabla ang Heat sa 97 all.
Mula rito, gumanda ang opensa at depensa ng away team at naitala ang big win. Idaraos naman ang Game 7 sa homecourt ng Heat sa Linggo ( Lunes ng umaga/ PH time).
More Stories
DEP ED TANAY SIKARAN HIGHLANDERS BEST BETS PAPAKITANG GILAS NGAYON SA RIZAL PROVINCIAL MEET
Bachmann ng PSC, Reyes ng PCSO papalo sa Plaridel golfest
BRIGHT FUTURE PARA SA PH ARCHERY – CHRISTIAN TAN