November 23, 2024

Miami Heat center Meyers Leonard, humingi ng sorry kaugnay sa Anti-Semitic slur

Humingi ng paumanhin si Miami Heat center Meyers Leonard kaugnay sa Anti-Semitic Slur. Nangyari ito habang naglalaro siya ng ‘Call of Duty’.

Sa isang point habang naka-game streaming, maririnig si Leonard na nagsasalita ng hindi maganda. Makalipas ang ilang oras, nagviral ang kanyang sinabi sa kanyang Twitch channel.

Kung kaya, nagpost si Leonard tungkol sa issue at humingi ng apologize  sa Instagram.

“I didn’t know what the word meant at the time and that is “ignorance about its history and how offensive it is to the Jewish community.”

 “I am now more aware of its meaning and I am committed to properly seeking out people who can help educate me about this type of hate and how we can fight it, ” ani ng 29-anyos na big man.

Humingi rin si Leonard ng paumanhin sa Arisons, mga teammates, coaches, front office. Gayundin sa lahat ng may kaugnayan sa Miami Heat, family, fans at sa Jewish community na nasaktan.

Kaugnay dito, tablado muna siya sa Miami na ibinilad niya sa kahihiyan. Hindi aniya kokonsentehin ng team ang gayung hateful language. Makikipagtulungan din ang team sa imbestigasyon ng NBA kaugnay sa insidente.

Dahil din sa nangyari, inalis ng ORIGIN PC ang gaming sponsorship nito kay Leonard ayon sa ulat ng Fox Sports 640 Florida.