
Kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-43 anibersaryo ngayong taon, ipinakita na sa publiko ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang bagong logo nito.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Jose Ines, ang bagong logo ay umaayon sa misyon ng ahensya, na magbigay gabay sa mga operasyon sa Ninoy Aquino International Airport habang tinitiyak na natutugunan ang pinakamataas na pamantayan sa abyasyon.
Nagpapakita din aniya ito nang pagkakaroon ng bagong responsibilidad ng MIAA bilang regulator ng NAIA matapos pormal na pangasiwaan ng New Naia Infra Corporation (NNIC) ang paliparan noong nakaraang taon.
Setyembre 2024, nang ilipat ang mga operasyon at maintenance ng NAIA sa NNIC, na nagbibigay-daan sa paglipat ng MIAA patungo sa isang regulatory function.
Binigyang diin ng MIAA na ang transition ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap na gawing moderno at pahusayin ang karanasan ng mga pasahero sa paliparan.
Pinasalamatan din ni Ines ang MIAA personnel dahil sa kanilang patuloy na motibasyon sa kabila ng mga hamon, habang ibinahagi din niya na kanyang ikinararangal at isang pribilehiyo na makatrabaho ang bawat isa sa kanila.
Nagsagawa rin ang MIAA ng iba’t ibang aktibidad bilang paggunita sa kanilang ika-43 anibersaryo. Kasama na rito ang blood donation drive, isang Zumba wellness activity para sa MIAA employees, isang weeklong food bazaar at isang Holy Mass.
Ginanap ang selebrasyon sa MIAA Administration Building sa Pasay City. (ARSENIO TAN)
More Stories
DIGONG HANDA NA SA ARESTO NG ICC
Mag-asawa, 7-anyos na anak patay sa sunog
Matinding pagbatikos matapos kondenahin ni Goitia ang pag-aangkin ng Tsina sa Palawan