Hindi rin pahuhuli ang ilang Pinoy athletes na naglalaro sa Japan B’League. Patunay ang galing ng mga Pinoy. Kabilang rito sina Thirdy at Kiefer Ravena, Ray Parks Jr., Kobe Paras at Dwight Ramos. Markado rin si Kai Sotto na naglaro sa G League sa Australia sa Adelaide 36ers.
Sa larangan naman ng boxing, markado sina Nonito Donaire Jr, John Riel Casimero. Kabilang din sina Mark Magsayo, Jerwin Ancajas, Donnie Nietes, Carl Jammes Martin, Jonas Sultan at Sen. Manny Pacquiao. Gayundin si Reymart Caballo na kahit natalo kay Donaire ay dapat saluduhan.
MGA IBA PANG ATLETA NA NAGNINGNING NGAYONG 2021
Dapat ding kilalanin ang mga naiambag ng iba pang atleta sa ibang sports. Na nagbigay din ng karangalan sa ating bansa. Nagpamalas din sila ng husay at galing sa kanilang sports. Kabilang na rito si Yuka Saso na nagwagi sa 76th US Women’s Open noong June. Kung saan ay naibulsa nito ang prize money na $US1-million (P50-milyon).
Si Carlo Biado naman ay kuminang sa larong billards at Carlos Yulo sa men’s artistic gymnast. Pagpupugay din ang handog natin kina world muay Thai champ Philip Delarmino. Kasama rin sina figure skater Michael Martinez at Sofia Frank.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2