December 25, 2024

MGA TINDERA SA PASAY PUBLIC MARKET UMAARAY SA TAAS-PRESYO NG BABOY

Umaaray na ang mga tindera ng Pasay Public Market dahil sa taas ng presyo ng karne ng baboy.

Ayon kay Joveta Tulay tindera sa palengke dapat daw gumalaw ang Department of agriculture at DTI para bumaba ang presyo ng karne dahil malaki na ang lugi nila dahil taliwas ang presyo na lumalabas sa mga pahayagan kumpara sa presyo ng kuha nila mula sa supplier.

Lumalabas kasi sa mga pahayagan na ilalatag ng da sa pangulo ang presyo ng karne na 270 hanggang 300 ang kada kilo.

Pero sinabi ni Aleng Joveta na hindi nila maaring ibenta sa 300 ang kanilang karne dahil 329 na ang angkat nila sa supplier.

Hindi na sila kumikita ay nalulugi pa raw sila dahil umaayaw na ang kanilang mga suki sa taas ng presyo ng karne ng baboy.

Panawagan ng mga tindera dapat daw na gumawa ng paraan ang gobyerno at magsagawa ng inspection ang DTI upang malaman nila kung ano na ang sitwasyon sa presyuhan ng mga bilihin partikular ang presyo ng karne na baboy sa Pasay Public Market. (Balita ni RUDY MABANAG)