September 22, 2024

MGA SUNDALO NATURUKAN NA NG SINOPHARM VACCINE (Kahit ‘di pa aprub sa DFA)

IIMBESTIGAHAN ng Department of Health (DOH) ang ulat na umano’ ilang sundalo na ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulo Rodrigo Duterte  na karamihan sa mga sundalo at kanilang pamilya ay  natusukan na ng COVID-19  vaccine mula sa Chinese manufacturer Sinopharm, kahit hindi pa aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA).

“We still do not have that information. We would be trying to get the information available para makita po natin ‘yan. Inaantay pa rin ho natin magkaroon ng applications from different vaccine manufacturers para maipasok natin sa ating bansa at magamit ang mga bakunang ito,” ani Vergeire. Una na ng sinabi ni Armed of the Philippines (AFP) Spokesman Maj. General Edgar Arevalo na hindi totoo ang report na  kumalat na maraming sundalo na ang nabigyan ng bakuna.