NAGLABAS ng matinding babala si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sa mga sundalo na makikialam sa politika, kung saan hinimok sila nito na magbitiw o umalis na sa militar.
“Take off the uniform if you want to engage in politics,” babala ni Brawner.
Inilabas ni Brawner ang pahayag matapos ang panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na manghimasok ang military at itama ang aniya’y fractured governance ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa panayam sinabi ni Brawner na hindi ito trabaho ng militar at iginiit ang tungkulin na protektahan ang Republika ng Pilipinas, mamamayang Pilipino at depensahan ang teritoryo at soberanya ng bansa. Ayon pa kay Brawner, ang panawagan na ito ay magdudulot lamang ng kaguluhan kung saan posibleng makinabang ang ibang mga bansa na layong manghimasok sa teritoryo ng Pilipinas.
More Stories
38 LUGAR NASA RED CATEGORY – COMELEC
HUSTISYA PARA KAY PH ATHLETE MERVIN GUARTE!
4 patay sa pamamaril sa Batangas