
Hindi rin pahuhuli ang mga indibidwal na nasa larangan sports kung serbisyo publiko ang pag-uusapan. Katunayan, patuloy pa rin silang pinagkakatiwalaan ng taumbayan. Kung kaya, may ilan sa kanila na nagwagi sa unang salang pa lamang sa politika. Ang iba naman ay muling naihalal sa mga tinakbukan nilang puwesto.
Isa na rito si former Ateneo volleybelle Cha Soriano nagwagi bilang Councilor sa Tuguegarao. Panalo rin si POC president Bambol Tolentino bilang mayor ng Tagaytay City. Pinroklama rin si dating PBA star Dondon Hontiveros bilang top councilor sa Cebu City na may mahigit 133,000 votes.
Wagi rin bilang mayor ng Bulakan, Bulacan si PBA legend Vergel Meneses. Nagwagi rin si Dodot Jaworkski bilang vice mayor ng Pasig City. Habang si Franz Pumaren ay nanalo naman bilang councilor sa 3rd district ng Quezon City.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76
D’Engineers chess championship… GM JÒEY ANTONIO, HARI NG RAPIDO!