May 18, 2024

MGA SPA NI LIZA SOBERANO LIMANG BUWAN NANG SARADO

DAHIL sa pandemic na inabot ng buong mundo, halos lahat ng mga negosyante at ordinaryong mga tao ay naapektuhan ng krisis na ito, kasama si Liza Soberano.

Dahil sa ipinatupad na community quarantine, limang buwan na ang nakalipas nang pansamantalang ipasara ng actress ang kanyang mga spa na Hope Wellness Center sa Alabang at Hope Hand and Foot Wellness, ang unang sangay nito sa Quezon City.

“Nakakalungkot po, pero hindi pa talaga kami pwedeng magbukas gawa nga nang kinahaharap nating krisis sa ngayon. Pero umiisip na kami ng tamang paraan kung paano namin mapag serbisyuhan ang aming mga tapat na kostomer,” pahayag pa ni Liza.

Pero kahit malaki na ang lugi ng negosyo, nakuha pa rin niyang tumulong sa kanyang mga kababayan na biktima ng pandemic.