MULI na namang makapanood ng libreng sine ang mga senior citizens ng Navotas City makalipas ang mahigit dalawang taon na pananatili sa loob ng kanilang bahay simula ng manalasa ang nakakamatay na sakit na COVID-19.
Noong nakaraang Linggo, personal na sinamahan nina Navotas City Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang mga chapter presidents ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) ng lungsod sa Fisher Mall – Malabon kung saan ginanap ang unang araw na pagbubukas muli ng libreng sine para sa mga lolo’t-lola.
Ayon kay Mayor Tiangco, tuwing Lunes at Martes, 10am hanggang 5pm, puwedeng manood nang libreng sine ang mga senior citizens at kailangan lang dalhin ang kanilang senior ID.
Gayunman, muling nagpaalala si Mayor Tiangco na mag-ingat ang lahat lalo na ang mga senior citizens dahil nasa paligid lang aniya ang nakakamamatay na virus.
“Kahit bumaba na ang active cases sa ating lungsod ay kailangan pa rin natin ang pag-iingat, sumunod sa mga health at safety protocols at magpa-booster na para maabot na natin ang zero cases,” pahayag ni Mayor Toby.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga senior citizens ng lungsod sa magkapatid na Tiangco dahil sa mga programa ng mga ito na malaking tulong anila sa para sa kanila. (JUVY LUCERO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA