Mga Cabalen, totoo ba na bumitaw na ang mga kapitalista na pumupusta kay VP Leni Robredo? Ito ang nahagip ng ating agila. Dahil daw umano sa pananantiling pangungulelat nito sa survey simula pa noong Oktubre.
Base raw sa presidential poll na isinagawa ng Laylo outfit para sa pang-Panguluhan simula March 15 hanggang March 22. Nananatili kasing nangunguna si Sen. Bongbong Marcos na nakakuha ng 59-63 porsiyento.
Dahil sa unti-unting pag-atras ng mga namumuhunan kay VP Leni, balita ring marami ang na ang hindi napapasuweldo sa mga staff na kasama sa kampanya?
Maliban pa rito , isa-isa na ding isinasara ang mga headquarters. Kaya, dahil dito, may pangamba na malamang na mawalan sila ng mga tauhan para tumulong pagdating ng eleksiyon.
Ito ang problema ng kandidato na hindi nasusustina ang kanilang popularidad hanggang araw ng eleksiyon.
Marahil ito ang dahilan kung bakit masidhi ang panawagan ng kampo ni VP Leni ng mga volunteers nitong mga nakaraang linggoPanay din ang dasal ni Diwa Guinigundo sa Panginoon upang humingi ng himala. Para ipanalo si VP Leni sa pang panguluhan sa darating na halalan.
Alam ba ninyo mga Cabalen, na ngayon lamang nangyari sa kasaysayan ng eleksiyon sa pagka-Presidente na umabot ng 40 porsiyento ang layo ng nangungunang kandidato sa kulelat.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino