CLARK FREEPORT— Kasalukuyang ginaganap mula kahapon hanggang Disyembre 19, 2021 sa Freeport na ito ang tourism at trade expo kung saan tampok ang mga produkto ng General Santos City at Region III.
Naging posible ang trade fair dahil sa pagtutulungan ng Clark Development Corporation (CDC), Local Government Unit (LGU) ng General Santos City at Subic Clark Alliance for Development (SCAD). Habang suportado ng iba pang pang partner agencies tulad ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Tourism (Regions 3 and 12), Greater Clark Visitors Bureau (GCVB), Hotels and Restaurants Associations in Pampanga (HARPA), GenSan Producers Association, at Fresh Frozen Association of GenSan ang nasabing inisyatiba.
Nagpahayag din ng kanilang suporta ang lalawigan ng Pampanga gayundin ang mga lungsod ng Angles, Mabalacat at San Fernando ang nasabing trade fair.
Ginaganap ang aktibidad sa loob ng tatlong araw sa harap ng Mangan Tamu Food Park, mula alas-4:00 ng hapon hanggang to alas-11:00 ng gabi. Tampok dito ang humigit-kumulang 50 exhibitors at concessionaries. Available sa nasabing event ang lokal na produkto ng South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani (SOCCSKSARGEN) as well as delicacies and specialties of Northern at Central Luzon.
Layon ng “CL-SOX Tourism and Trade Expo” na may temang “more than an exchange”, na palakasin ang kalakalan, pamumuhunan at tourism activities sa pagitan ng Central at Northern Luzon, SOCCSKSARGEN, at iba pang foreign markets.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna