Natatakot nang lumabas nang bahay ang ilan natin kababayan na nasa India dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan daan-daan ang namamatay bawat araw.
Ayon kay Gemmarie Tibayan Venkataramani mula sa Chennai City, India, nagpapasalamat ang mga ito na dumating na ang mga medical supplies mula sa ibang bansa ngayong umabot na sa 200,000 ang bilang ng mga namatay sa India.
Kaninang madaling-araw, dumating sa India ang shipment mula sa Britanya na kinabibilangan ng 100 ventilators at 95 oxygen concentrators.
Ang France naman ay magpapadala ng oxygen generators na makakatulong sa 250 mga pasyente.
Tiniyak din ng World Health Organization na magde-deliver ito ng 4,000 oxygen concentrators sa India.
Sa loob ng mahigit 20 taong pananatili sa India, ngayon lang si Venkataramani nakaranas ng ganitong sitwasyon kung saan marami ang namamatay na COVID positive kaya’t punuan din ang mga crematorium.
Dahil dito, kung maaari aniya ay iniiwasan nilang lumabas ng bahay at nagpapadeliver nalang ng pagkain upang hindi maexpose sa virus. Batay sa rekord ng Philippine Embassy sa India, umaabot sa 2,000 ang mga Pinoy na nagtratrabaho sa India at karamihan sa mga ito ay nakapag-asawa ng Indian national.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY