April 30, 2024

MANNY PACQUIAO-GARCIA BOUT SA DUBAI, PINAPLANTSA

Napipisil ng kampo ni eight-division world boxing champion Senator Manny Pacquiao na si Mikey Garcia ang nais nitong makalaban sa kanyang muling pagsampa sa boxing ring.
Manny Pacquiao at MIkey Garica, pinaplantsa ang bakbakan sa Dubai.

Kumpirmado na kung sino kung sakali ang susunod na makakatapat ni Sen. Manny Pacquiao. Ayon sa business manager ng ‘fighting senator’, nais nitong makaupakan si Mikey Garcia.

Si Garcia ay 4-division world boxing champion at isa sa mga welterweight contender. Aniya, malamang na idaos ang boxing match ng dalawa sa Dubai.

Kinumpirma mismo ito ni Arnold Vegafria sa kanyang ipinost na teaser poster sa Instagram.

Una nang napaulat na haharap ang Pambansang Kamao kay WBO welterweight champ Terrence Crawford. Na nakatakdang gawin sa June 5. Ngunit, naunsiyami dahil sa kakapusan ng pondo ng mga investors.

Noong nakarang March, ibinulalas ni Garcia ang pagnanais na makasagupa si Pacquiao. Aniya, nais niyang makaharap ang senador sa buwan ng Mayo o Hunyo.

Gayunman, hindi pa selyado ang Manny Pacquiao- Mikey Garcia bout. Kundi, pinaplantsa pa lang. Kung matutuloy, ito ang comeback fight ng 42-anyos na si Pacquiao.

Na halos two years hindi lumaban sa ring. Huli siyang sumampa sa lona noong July 2019. Kung saan, nahablot niya kay Keith Thurman ang WBA super welterweight belt.

May record siyang 62-7-2 at 39 rito ay knockouts.