Naniniwala si Dating House Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano mas maraming pamilyang Filipino ang maghihirap dahil sa online gambling.
Ito’y sa gitna ng pandemya na kinakaharap ng bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ang pahayag ni Cayetano ay kasunod ng nalalapit na pagpasa ng prangkisa ng dalawang e-sabong firms sa kongreso.
Isa dito ay sa Senado habang ang isa ay sa mababang kapulungan ng kongreso.
Aniya, kapag nabigyan na ng prangkisa ang online sabong posibleng simulan na rin ang iba pang uri ng sugal tulad ng ending at e-casino.
Sinabi ni Cayetano na mas lalong maghihirap ang mahihirap dahil aasa o isusugal na lamang nila ang hawak na pera kung saan magagawa ito anumang oras nila gusto sa pamamagitan ng mga mobile phones.
Iginiit ng kongresista na mas marami pang dapat na unahin ang pamahalaan lalo na sa isyu ng kahirapan at kalusugan ng bawat Filipino.
Dagdag pa ni Cayetano, hindi magiging sapat ang makukuhang kita sa online sabong kung ang kabuhayan ng bawat pamilya lalo na ang mga kabataan ang maaapektuhan sakaling malulong sila sa pagsusugal.
Posible rin mabaon sa utang at mauwi sa pagkasira ng pamilya kung magpapatuloy sa pagsusugal ang ilang mga pilipino kaya’t nananawagan siya na pag-aralan ito ng maigi.
Matatandaan na una ng umapela si Cayetano sa kapwa mambabatas nito na magkaroon sana ng plenary discussions sa House Bill 10199 kung saan iminimungkahi dito ang pagbibigay ng 25 taon na prangkisa sa Lucky 8 Star Quest para magsagawa ng online gambling pero tila nagbingi-bingihan ang ilang mga kasamahan nito kaya’t naaprubahan ang panukala noong buwan ng Setyembre.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA