PANIBAGONG batch na naman ng illegal na Philippine offshore gaming operator (POGO) workers ang ipina-deport o pinauwi sa kanilang bansa na naaresto sa isang scam hub sa Pasay City ilang buwan ang nakalilipas.
Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) officer Ronaldo Mendoza, ito ang ikatlong batch ng deportees, at karamihan sa kanila ay mga Chinese nationals.
Ang unang batch ng deportess ay kinabibilangan ng 75 Chinese na ngayon ay blacklisted na sa Pilipinas at pinauwi sa kanilang bansa noong Setyembre 22, 2023, habang ang second batch naman ay ang 14 Malaysian nationals.
“Meron silang mga Immigration violation, overstaying, walang working permit so they have to be deported,” wika ni Mendoza.
Dagdag pa ni Mendoza, isinakay sa Royal Air flight ang mga Chinese deportees noong Biyernes ng gabi patungo sa Nanning City, China.
Ayon kay PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz, ito ang naging resulta ng operasyon na isinagawa ng inter-agency task force sa pangunguna ng PAOCC, DOJ, Bureau of Immigeration, CICC, NBI at PNP laban sa Rivendell Global Gaming Corporation, isang POGO site sa Pasay City na kanselado na ang permit.
“Since gambling is illegal in China, the fact that they were caught in an illegal gambling site, they are deemed subjects of interests for possible criminal violations,” paliwanag ni ayon kay Cruz said.
Sinabi rin nito na kapag dumating sa Nanning City, ang 36 Chinese deportees ay makukulong ng higit sa isang buwan habang iniimbestigahan.
Ayon naman kay Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco na hindi pinapayagan ang “undesirable” na dayuhan sa bansa at hindi na sila papayagan pang makabalik sa Pilipinas.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA