May 19, 2024

Instant chopsuey at pinakbet project inilunsad

INILUNSAD ng Department of Agriculture (DA) at Farm Fresh Products sa pakikipagtulungan ng local food industry ang “Adopt-A-Town, Adopt-A-Farmer Program” na ginanap sa Bureau of Soils and Water Management Convention Hall sa Visayas Avenue sa Quezon City, bilang bahagi ng marketing support para sa lokal na magsasaka. Opisyal na inilunsad ng Farm Fresh ang unang project nito na “Ang instant Chopsuey at Pinakbet,” na naglalayong bawasan, kung hindi man ganap na alisin ang mga pagkalugi pagkatapos ng ani at pag-aaksaya ng mga ani ng sakahan. (Kuha ni ART TORRES)