CLARK NAPILING PBA BUBBLE VENUE. Dahil sa malapit, ligtas at maayos na matutuluyan, napili ang Clark Freeport Zone ng Philippine Basketball Association (PBA) bilang official bubble venue para sa pagpapatuloy ng 45th season ng professional basketball league ng bansa. (CDC-CD Photo)
ANG world-class facilities sa Clark Freeport, gayundin ang safety ng mga player at staff, ang pinakamahalagang isaalang-alang sa lahat, bagay na nagtulak sa PBA board of governors upang piliin ang naturang lugar bilang official bubble venue sa paparating na PBA Governor’s Cup.
“Alam po ninyo, kaya nga po ito ginawa sa Clark dahil mataas ang confidence ng PBA, ng ating board of governors, ni commissioner Willie Marcial – mataas ang confidence nila na kaya po nating i-preserve yung integrity ng bubble dito sa Clark because of the advantages we have logistically,” ayon kay NLEX Road Warriors Coach Joseller “Yeng” Guiao sa panayam ng isang local regional TV network sa Central Luzon.
Nabanggit ng Kapampangan na si Guiao ang tatlong pangunahing advantage kung kaya’t best choice itong Freeport – security, proximity at accommodation – na maaring ibigay sa lahat ng player, crew at staff para sa kabuuang bubble set-up, ng Quest Hotel.
Handa na ring ang mga testing facility at swabbing booths sa Freeport, kabilang na ang mga pangunahing ospital gaya ng Medical City Clark at Our Lady of Mt. Carmel Medical Center na matatagpuan dito.
Pinasalamatan din ni Guiao sina Clark Development Corporation (CDC) President-CEO Noel F. Manankil at Bases Conversion Development Authority (BCDA) President-CEO Vivencio “Vince” B. Dizon para sa kanilang buong suporta nang isama ng PBA ang Clark bilang posibleng PBA bubble site para sa 45th season ng professional basketball league.
“Pasalamatan po natin dito si President ng Clark (CDC), si Noel Manankil na talagang pinaghandaan po nila especially si Vince Dizon (BCDA). Si Vince po, siya mismo ang nag-present noong proposal ng Clark doon sa PBA board so that’s how interested they are. Ganoon sila ka-ganado, ganoon sila ka-interesado na madala itong PBA bubble sa Clark,” pasasalamat ni Guiao.
Tinanong din si Guiao kung papaano ang transportasyon ng 12 teams na maghahatid sa kanila sa practice venues.
“These are exclusive buses – exclusively for separate teams. Pati yung mga bus driver, included yan sa bubble so hindi rin sila lumalabas, hindi talaga mahahaluan yan ng mga galing sa labas,” sagot ni Guiao.
Nabanggit din niya kung gaano ka-convenient ang mga player na manatili sa Clark: “Within Clark, may mga in-identify na po silang mga practice facilities. Pero ganunpaman, kung kulang pa po yan, I think they’re willing to set up yung nakita rin po natin sa NBA – yung mga ballroom ng malalaking hotel nilagyan po nila ng basketball court.”
Muling sisimulan ang PBA season sa Oktubre 9,2020 na mapapanood via live streaming at television na may “virtual fans” o “virtual audience.”
Gaganapin ang tournament sa Angeles University Foundation (AUF) gym sa Angeles City ganap na alas-4:00 ng hapon para sa first game at alas-8:00 ng gabi para second game, pitong araw sa isang linggo.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY