December 24, 2024

MGA MENOR DE EDAD SA QC PUWEDE NANG LUMABAS (Basta’t kasama ang guardian o magulang)

MAARI nang lumabas ng bahay ang mga bata na nasa edad 15 pababa sa Quezon City basta’t para sa essential services at kasama ang kanilang mga magulang o guardian.

Batay sa nirebisang mga quarantine guideline ni Mayor Joy Belmonte, pinapayagan na ang mga residente nilang mas bata sa edad na 15 o mas matanda sa 65 na lumabas sa mga sumusunod na dahilan: kapag kinakailangan ng pisikal na presensya sa trabaho, may emergency, air/sea travel at medical and dental appointment.

“In addition to the foregoing requirements, persons below 15 years old that leave home should be accompanied by a parent or adult guardian,” mababasa sa guidelines.

Kinakailangan aniyang planuhin ng mga magulang at guardian kung ilalabas ang mga bata para maiwasan ang sobrang dami ng tao na posibleng magpataas sa kaso COVID-19.

Samantala, ang mga residente nila na nasa pagitan ng 15 hanggang 65-anyos ay pinapayagan ding lumabas ng bahay pero kailangan ng mga itong magdala ng ID para mapatunayan ang kanilang edad o pagiging empleyado.