December 26, 2024

MGA MATATANDA PINAHIRAPAN: PALYADONG PENSION NG MGA SENIOR SA TAYTAY

Dapat raw magsilbing wake up call sa Taytay LGU ang pamamahagi ng pensiyon at cash gift para sa mga senior citizens.


Ayon sa ilang taga-Taytay, dapat gumawa at puspusang kumilos si Mayor Allan de Leon para matugunan ang pamamahagi  ng pensiyon sa mga senor.
Nitong nakaraan, pagod at hirap ang inabot ng mga senior dahil sa magulo at walang sistemang pila sa pagkuha ng pensiyon sa isang pay-out center sa Taytay, Rizal.

Dismayado ang mga residente sa naging magulong sistema ng pagkuha ng pensiyon ng mga senior citizens sa Taytay, Rizal.

“Isa sa mga pangakong napako na ni Mayor Allan De Leon ang pagbabahay-bahay na distribution ng benepisyo at dagdag na cash gift ng mga Senior Citizen ng Taytay kasama na ang sektor ng solo parents at mga PWD. Pero hanggang sa ngayon ay nagdurusa at tila na echepwera na ang mga seniors sa pagtanggap ng kanilang ayuda,” ayon sa reklamo ng mga residente na ayaw magbanggit ng pangalan.

Anila, pagod, hirap at gutom ang inabot nila sa magulo at walang sistemang pila sa isang pay-out center para tanggapin ang kanilang social pension na tila pahirapan sa pagkuha.

Giit ng mga nagrereklamong residente, dapat maisaayos, mapabilis at higit sa lahat madagdagan ang tulong ng lokal na pamahalaan para sa mga senior citizens.

“Sa mga nanunungkulan sa MSWD Office na itinalaga ni Mayor Allan, Huwag naman po sana nating pasamain pa ang kanilang mga kalooban. Kaunting panahon na lang po ang ilalaan nila dito sa mundo. Ngayon at matanda na nga sila, mahina at sakitin pa, ang pensiyong natatanggap nila ay hindi pa nga sapat para sa kanilang medisina at pang-maintenance sa gamot. Bibigyan nyo pa ba sila ng galit, poot at sama ng loob para sa pribilehiyong dapat nila matanggap,” hinaing pa ng ilang residente sa Taytay.


“Kailan po ninyo ibabahay-bahay ang kanila ayuda? Huwag nyo naman pang pahirapan pa sila! Pag-aralab nyo na kung paano ibabahay-bahay ang kanilang social pension dahil iyan ay pangako po ng ating Mayor Allan!” dagdag pa ng mga ito.


Kinuwestiyon din ng mga ito ang paglalakwatsa umano ng naturang alkalde sa ibang bansa.

“Mayor Allan, paramdam naman po kayo! Andyan na po ba kayo sa California, USA para tanggapin ang inyong Pandemic Hero Award? Paano naman po ang mga seniors natin? Patuloy po ang kanilang pagdurusa at paghihirap! Kailan po natin ibabahay-bahay ang Cash Gift ng mga Senior Citizen, Solo Parents at PWD?” ayon pa sa mga nagrereklamong residente.

“Lagi na lang po kayong pasarap at pa travel abroad ng ating Munisipyo! Tsk.. tsk.. tsk.. 🤔🤔🤔 Talagang IBANG IBANG NA NGA!” dagdag pa ng mga ito. (ANT)