
HINILING ng Commission on Elections (Comelec) sa Philippine National Police (PNP) na sibakin ang kanilang tatlong matataas na opisyal sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Comelec chairman George Garcia, isinagawa ang naturang rekomendasyon ni commissioner Aimee Ferolina, chairperson ng Gun Ban and Security Concerns Committee ng poll body.
Ini-adopt ito ng commission’s en banc sa ginanap na sesyon nitong Martes. “May nirecommend yung aming committee na pinapa-relieve yung ilang miyembro ng Philippine National Police dun sa area…titingnan natin kung ano ang response nung ating PNP sa rekomendasyon na yan,” ayon kay Garcia.
Paliwanag ni Garcia, hindi kailangan baguhin ang liderato ng PNP sa naturang rehiyon.
“Base sa assessment ng committee, mukhang kakailanganin na magkaroon ng palitan. Maaari kasing hindi nakukuha ng committee yung gano’ng klase ng full cooperation, hindi nakukuha mismo ng committee yung expected output sa kilos ng opisyal ng Philippine National Police sa area,” ani Garcia.
Pinangalanan ni Commissioner Ferolino ang tatlong opisyal ng BARMM-PNP na sina PBGen. Romeo Macapaz, Police Regional Director, Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR); PCol. Eleuterio Ricardo Jr., Police Provincial Director ng Maguindanao del Norte; at PCol. Ryan Bobby Paloma, Police Provincial Director ng Maguindanao del Sur.
Naniniwala ang poll body na nagkaroon ng pagkukulang sa bahagi ng Bangsamoro police na agad kumilos sa agarang kahilingan ng seguridad ng kanilang mga field personnel, kabilang ang request ni Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte Election Officer Atty, Maceda Abo mula pa noong Enero 8, 2025. (BG)
More Stories
Tolentino: 60 kph speed limit mahigpit na ipatupad
IMEE MAY BUWELTA KAY CHIZ: SIYA ANG AMBISYOSO
UNDERWATER DRONES NA NATAGPUAN SA KARAGATAN NG PILIPINAS, GAWANG CHINA