December 24, 2024

MGA MAMBABATAS AT PROPONENTS NG PEOPLE’S INITIATIVE NAG-USAP PATUNGKOL SA ISINUSULONG NA CHARTER CHANGE

Inilahad ni PIRMA lead convenor Noel Oñate na nakipag-ugnayan sila sa mga kongresista upang makuha ang lagda na kailangan para sa people’s initiative sa pagbabago ng Saligang Batas.

Sa Kapihan sa Manila Bay, pinaliwanag ni Oñate na kailangan  ang koordinasyon sa mga distrito sa buong bansa dahil ito ang nakasaad na rekisito sa Saligang Batas.

Sinabi ni Oñate na pangunahing information o basic information lamang sa  mga distrito ng mga mambabatas ang kanilang hininging tulong at magsilbing  gabay kung hanggang saan at ilan ang kanilang kailangan palagdain.

Una rito ay sumingaw ang balita na mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ang sinasabing nasa likod ng people’s initiative, na mariing itinanggin ng grupong PIRMA.

Pinanindigan ni Oñate na sarili nilang inisyatiba ang people’s initiative at walang mambabatas na nasa likod nila.