December 23, 2024

MGA MADRE KINASUHAN SA PAGPOPONDO SA CPP-NPA

FILE PHOTO

KINASUHAN ang 16 na indibidwal kabilang ang mga madre ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) dahil sa umano’y pagbibigay ng pondo sa Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

Ayon kay incoming Justice Spokesperson Mico Clavano na 55 counts ng paglabag sa section 8(ii) ng Republic Act 10168 ang isinampa laban sa 16 na akusado sa regional trial court ng Illigan City nitong Lunes.

Ipinagbabawal sa naturang batas ang pagbibigay ng anumang “property or funds, or financial services” sa mga tao o grupo na tinutukoy na terorista. May parusa itong pagkakulong ng mula 12 taon hanggang 40 taon at multang P500,000 hanggang P1 milyon.

Matatandaan na itinuring ng Anti-Terrorism Council ang CPP-NPA bilang mga terorista noong Disyembre 2020.

Walang bail na inirekomenda dahil ang kasong ito ay non-bailable.

Ibinase ang kaso sa testimonya ng dalawa umanong dating miyembro ng CPP-NPA.

Isa rito ay dating finance officer ng RMP na nagsabing 60% ng pondong nakukuha mula sa dayuhan ay ginagamit ng kilusan bilang pambili ng armas at amunisyon.