
PATAY ang isang biktima at sugatan naman ang isa pa makaraang paulanan ng bala at pagtulongan bugbogin ng kanilang mga lasing na kasamahan sa trabaho sa Hacienda El Vinarios Resort, Brgy.Bucal ng Silang Cavite nuon gabi ng Sabado January 25, 2025.
Kinilala ang nasawing biktima na si Dionisio Cabcaban, habang sugatan naman si Emilinda Bacordo at kinilala ang mga suspek na sina 1. alyas “Jabbar”, 2. Alyas “Rico” at si 3. alyas “Carlo” mga nasa hustong gulang.
Ayon sa report ng Silang Municipal Police Station bago ang nangyaring krimen ay kasalukuyang nagi-inoman ang tatlong suspek habang naliligo sa swimming pool ng tawagin ng may ari ng resort ang mga ito at inutusan maglinis para sa mga darating na guest sa resort at maya-maya pa ay galit na galit na kinompronta nina alyas “Jabbar” at “Rico” na may dalang jungle bolo at M-16 Riffle at galit na galit na kinompronta ang dalawang biktima habang nasa kalagitnaan ng mainitang pagtatalo ay kinuha ni alyas “Carlo” ang M-16 at pinaputukan ng sunod-sunod sina Dioniso at Emilinda habang nagpatuloy sa pananakit ang dalawa pang suspek.
Matapos ang pamamaril ay agad tumakas sina “Jabbar” at “Rico” habang arestado naman si “Carlo” at narekober ang M-16 Riffle na ginamit sa krimen.
Naisugod pa sa Tagaytay Medical Center ang dalawang biktima subalit namatay habang ginagamot si Dionisio, dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ayon sa rumespondeng doktor at patuloy na ginagamot si Emilinda biktima. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Bagong PCO chief, wagi sa P206-M PCSO deal? JAY RUIZ DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM SA COMMISSION ON APPOINTMENTS
PCSO at Bayanihan Sands nangibabaw sa 11th CAMI Clark Golf Cup
Davao Occ. Tigers COCOLIFE… ANG PAGBABALIK NG TIGRE SA MPBL!