December 23, 2024

Mga high value target sa operasyon ng bawal na droga, natimbog | TAYTAY PNP, PINARANGALAN

Ginawaran ng parangal ng Rizal Police Provincial Office ang Taytay PNP dahil sa pagkakadakip sa  mga high value target na sangkot sa pagpapakalat ng bawal na droga sa lalawigan.

Kabilang sa 20 na wanted o high value target individual (HVI) na natimbog sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation o SACLEO ng Taytay PNP ay sina sina Ruben Ramos, Abdullah Mamasainged, Ronald Cruz, Thing Dani, Micheal Elera, Rasmia Manalasal, Joemar Amerol, Erick Puyaon, Lea Hernandez at Joemarie Luciano.

Sa naturang operasyon, nakakumpiska ang Taytay PNP ng tinatayang 493 na gramo ng ilegal na droga na may street value na ₱3,352,400.

Ayon kay Police Major Rodel S. Ban-O, officer in charge ng Taytay Municipal Police Station, ang pagkakatimbog sa mga suspect ay resulta ng 17 police operations na isinagawa matapos ang ilang linggong surveilance sa mga salarin.

Bukod sa illegal drugs, nakakumpiska rin ang Taytay PNP ng mga loose firearms at nabuwag ang ilang pagsugalan na talamak sa nasabing bayan.

Kaugnay nito ay tumanggap ang Taytay PNP ng dalawang parangal mula sa Rizal Police Provincial bilang Top Performer Police Station na may pinakamaraming bilang ng kampanya o operation laban sa illegal na droga at Top Performer Police Station dahil sa pagkakatala ng pinakamaraming kampanya laban sa loose firearms.

Pinapurihan ni Major Ban-O ang buong puwersa ng Taytay PNP dahil sa dedikasyon sa kanilang tungkulin at ang kooperasyon ng mga mamamayan upang masugpo ang paglipana ng bawal na droga.