DUMATING na sa Metro Manila ang nasa 66 doktor, nurse at medical technologist mula sa Region 7 at 8 para boluntaryong tumulong sa mga ospital sa NCR Plus na kulang na sa healthcare workers dahil sa COVID-19 surge.
Dakong alas-5:00 ng hapon nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nasabing mga health frontliners.
Sila ang mga health workers na nagboluntaryo para tugunan ang kakulangan ng mga doktor, nurse at med tech sa National Kidney Transplant Institute, Jose Reyes Memorial Medical Center, Lung Center of the Philippines, Rizal Medical Center, at Tondo Medical Center sa loob ng tatlong buwan.
Marami na kasing medical workers ang naka-isolate dahil sa epekto ng virus.
Ayon kay Dr. Lou Llanes ng Department of Health Region 7, ang pagpunta nila rito ay kusang loob nilang ginawa para makatulong sa pag-aasikaso ng mga pasyente sa maraming ospital sa National Capital Region.
Bagamat ang pamilya raw nila ay tutol sa kanilang pagpunta rito, mas nanaig ang kanilang pagnanais na makatulong dahil kasama ito sa kanilang sinumpaang tungkulin,
“Pinigilan din ng mga iniwan namin, loved ones namin. I think nanaig talaga yung kagustuhan namin to give service because it’s our calling to help,” ani Llanes.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON