Mga gurong Pilipino, katuwang sa paghamon, kasama sa pagbangon!
Pasakalye: ” Pangalawang magulang ang sa iyo’y turing
Kaalaman turo mo’y sa puso’y may dating
Karunungang isinalin, gabay sa diwang maigiting—
Na nagsusumikap na ang pangarap at tagumpa’y marating
Iyan ang maikling saknong bilang pagpupugay sa kadakilaan ng ating mga guro. Sila’y nagsisilbing ikalawang magulang sa atin noong nag-aaral pa tayo. ‘O pati sa mga nagsisikhay ng kaalaman magpa-hanggang ngayon.
Sa eskuwelahan, ang guro ay naging instrumento upang maisalin sa atin ang karunungan. Ang kaalamang di gaanog naituturo sa ating mga tahanan.
Malaki ang dapat nating ipagpasalamat sa ating mga guro. Kung wala sila, di natin matututunan ang kasanayan at kaalamang kailangan natin. Sila’y ginagamit na instrumento ng Maykapal upang turuan tayong maging madunong sa buhay.
Nang dahil sa mga guro, nahubog ang iba’t ibang kasanayan, propesyun at kaalaman. Hinubog ang mga iyan sa paaralan. Kaya, naraapat lamang natin gunitain at bigyang pugay ang kanilang mga sakripisyo at pagpupuyaging maihatid ang kaalaman. Lalo na sa panahong ito ng pandemya.
Taun-taon, ipinagdiriwang natin ang National Teacher’s Month. Hindi lamang dito sa ating bansa. Kundi, sa buong daigdig. Sa ganitong paraan man lamang, masuklian natin ang kanilang abutihang ginawa sa atin. Na malaki ang kinalaman kung saan na tayo at kung ano ang ating narating.
Dear teachers’ mahal po namin kayo. Saludo po kami sa inyo. Maraming salamat po.
More Stories
Emilio Jacinto, Utak ng Katipunan at Rebolusyon
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur