Inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na dumating na ang inorder nilang mga paracetamol, phenlyprepanolamine na para sa ubo, sipon, lagnat at mga vitamin C.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sinimulan na ang pamimigay ng pamahalaang lungsod ng naturang mga gamot at bitamina kung saan siniguro nito na lahat ng pamilyang Navoteño ay mabibigyan.
Aniya, umabot na sa 5,240 ang napuntahan at nabigyan ng distribution teams.
Ibinabahay-bahay ang pamimigay ng mga gamot at vitamins para hindi na kailangang pumila kaya pakihintay na lamang ang distribution teams kung hindi pa nila kayo napupuntahan.
“Dahil alam naming kailangan n’yo ito, sinisikap nilang maipamigay ito sa mas madaling panahon kaya lubos din po tayong nagpapasalamat sa kanila sa kanilang sakripisyo”, ani Mayor Tiangco.
Humingi din ng pag-unawa ang lokal na pamahalaan kung hindi mabilisan ang distribution dahil nabawasan ang kanilang ating teams na namimigay ng gamot dahil ang iba ay nagkasakit.
“Tandaan po parati, Prevention is better than cure kaya mag-ingat pa rin po para makaiwas sa sakit”, paalala ng alkalde.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA