April 27, 2024

Mga fans nagalit… SOLO ENTRANCE NI KARYLLE NILIGWAK SA ‘IT’S SHOWTIME’ GMA-7 CONTRACT SIGNING

DAHIL edukada at talented na singer at actress itong si Karylle, hindi na lamang niya pinansin kung anuman ang ginawa sa kanya sa nakaraang contract signing ng ‘It’s Showtime’ at GMA-7.

“Nadismaya kasi ang mga netizens sa ginawang pagpapakilala sa kanya sa nasabing contract signing, dahil hindi nila ito binigyan ng solo entrance gayung isa ito sa mga pioneer ng nasabing show.

“Pero mas humanga sa kanya ang mga netizens, dahil lumabas ang pagiging edukada ng singer-actress at siya pa ang nagparaya sa eksenang iyon,” chika pa ni Miss. Bubuwit na aking source.