ANG sakit naman nang ginawa ng Metro Manila Film Festival sa mga artista nating sikat. Halos lahat ng kanilang pelikula ay hindi pasok sa criteria ng MMFF, kitang-kita raw iyong paboran isyu at may gano’n?
“Iyong pelikula na lang ni Cesar Montano, kung tutuusin pasok iyon sa criteria pero hindi nila pinayagang makapasok. Directorial job iyon ni Cesar, pero na basura lang.
“Iyong kay Coco Martin na pelikula, may pagka komersiyal iyon ha at pasok din sa criteria nila pero sa basurahan din bumagsak. Ganoong hataw din naman ang kita ng movie ni Coco sa takilya, kapag entry ito sa MMFF.
“Sad naman para kay Donny Pangillinan, iyong pelikula niyang ‘G na G’ ay sa basurahan din napunta. Buti na lang at hindi mga bitter sa festival ang mga artistang ibinasura lamang ang kanilang mga pelikulang hindi pasok sa criteria ng MMFF,” mataray na reaction ng aking source.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW