Inanunsiyo ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ngayong araw (November 17, 2025) na maaari nang makuha ng mga regular at casual na empleyado ng pamahalaang lungsod ang kanilang 13th month pay.
Bukod dito ay nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng cash incentive para sa mga job order at service contractual na mga empleyado.
Ayon kay Mayor Abalos, ang maagang pagbigay ng 13th month pay at incentives para sa lahat ng mga empleyado ay dahil sa maayos at magaling na pagganap ng income-generating offices ng pamahalaang lungsod.
Pagtalima din ito sa anunsiyo ng National Government na ibigay ito nang maaga bilang pagpapahalaga sa serbisyo at kabayanihan ng mga lingkod-bayan. (Arnold Pajaron Jr)
