November 5, 2024

MGA BUSINESSMAN, SUPORTADO ANG 2-WEEK LOCKDOWN


Dahil sa tumitindi ang banta ng Delta variant ng COVID 19, suportado ng mga grupo ng mga negosyante ang rekomendasyon na magpatupad ng two-week lockdown sa Metro Manila.

Ito ang ibinahagi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion at aniya ito ay base sa pakikipag-usap na rin sa mga kapwa niya negosyante.

Sinabi nina George Barcelon, chairman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at Henry Lim Bon Liong, pangulo ng Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FCCCII), suportado nila ang rekomendasyon ng OCTA Research at anila kailangan lang nila ng sapat na panahon para makapaghanda ang mga negosyante.

Ayon kay Barcelon hindi naman kailangan na biglain ang pagpapatupad ng lockdown dahil kailangan din na maghanda ang mga negosyante.

Paniwala naman ni Liong magandang hakbang ang pagpapatupad ng lockdown para mapigilan pa ang pagkalat ng Delta variant at maging masigla ang Kapaskuhan ngayon taon.

Ang DOH naman ay hindi sang-ayon sa rekomendasyon ng OCTA Research na magpatupad ng ‘circuit breaker lockdown.’