November 5, 2024

MGA BITUING NAWALAN NA NG NINGNING

Kaugnay sa tuluyang pagpapasa ng ABS-CBN, mga Ka-Sampaguita, kapansin-pansin na tita mga tuta ngayon na nabasa ng malamig na tubig ang ilan sa mga artista nito.

Kung dati ay pa-easy-easy lang sila at panatag sa katayuan ng kanilang istasyon, ngayon ay parang mga inakay na iniwan ng kanilang inang ibon sa pugad.

Sino-sino ang mga ito na tila mga bulag na dahil natutuliro sa nangyayari sa kanilang bakuran? Iisa-isahin ba natin?

Ang mga artistang ito ay tunay ngang mga maningning na bituin sa henerasyon ngayon. Tinitingala at sinusundan ng kanilang mga taga-hanga. Bilang ‘influencer’ sa lipunan, nararapat na maging mabuting ehemplo sila sa mga kabataan. Kaso, dahil sa sila’y bulag na taga-sunod— at ang bulag ay aakay sa kapwa bulag— kapwa sila mahuhulog sa hukay.

Itong mga artistang ating babangitin ay hindi pa gaanong hinog sa mundong ito. Hilaw pa sa karanasan at tila mga puppets na sunod-sunuran, kapalit ng interes. Hindi po ba? Mali na nga sila, ipangangalandakan na tama pa!

Nakakatwa sila ngayon, hindi po ba? Unahin natin itong si Vice Ganda. Ika niya, kawalan daw sa sambayanang Pilipino ang pagkakasara ng ABS-CBN. Weh?

Kilatisin ninyo ang artistang  ito at komedyante, nagpapatawa pero nakaiinsulto ng kapwa-tao. Arogante. Pati si Kingdom Pastor Quibuloy, hinamon. Hayun, iyak nang magsara ang Kapamilya.

Isa pa itong si Kim Chiu. Ipinaglalaban ang karapatan ng network. E ang tsinita, nagpost sa kanyang social media account na may hastag na #YestoABS-CBNshutdown!” Kitam, kung hindi ba naman kuwan! Mahilig makisawsaw sa isyu, mali naman ang pinapasukan. Sayang ang ganda mo Kim. Gamitin mo sa tama.

Isa pa itong si Bianca Gonzales. Biro mo naman, sinusugan ang isang netizen na lalayas daw sa bahay dahil nagkatampuhan sila ng tatay niya. Pabor ang tatay niya sa shutdown ng network. Kaya, nagtampo ang netizen at in-unfriend ang tatay nito at bet maglayas at bahala na raw ang mga magulang na magbayad ng kuryente. Nagreply naman ng comment si Gonzales na ‘Yakap Kirl!”

‘O kung di ba naman wala sa hulog ang isang to! Tinuruan pang maging lapastangan sa magulang ang tao. Kaya naman, kinuyog ng mga netizens si Gonzales. Kaya naman, humingi ito ng sorry.

Isa pa itong misis ni Sen. Kiko Pangilinan na si ate Shawie na nagrepost ng isang post ng FB Page na Kapamilya Kingdom— na nagsasabing pakana raw ni Cong.Polong Duterte at ng Iglesia Ni Cristo ang pagpapasara ng ABS-CBN. Lumabas sa pahayagan ang isyu tungkol dito. Siguro, dahil nalagay sa alanganin, hayun, binura ni ate Shawie ang post.

Mapaniwalaan pala itong si ate Shawie. Walang bait sa sarili. Naniniwala sa suspetsa. Marami pang artista ang nawawala sa hulog para lamang pangatuwiranan ang maling ipinaglalaban.

Kung talagang marami ang nakikisimpatiya sa inyo, sana dagsa na ang mga artista gaya ng ginagawa n’yo sa Star Magic Ball. Tama ang kasabihan na “bawat mga bituin ay mawawalan din ng ningning”.

Mga bituing mahilig magpa-epal, maglecture ng mga taumbayan na tila bagang pinakakain nila ang mga ito. Kung alam nyong mali kayo, tumahimik na lang kayo para di malagay sa alanganin, ano po! Kapag tuluyan nyong iniinis ang sambayanang Pilipino, tiyak na mawawala ang kinang nyo’t ningning.

Tandaan n’yo, nasa fans ang buhay n’yo, hindi mabubuhay ang fans dahil sa inyo! Adios Amorsekos.Adios Amorsekos.