Hinikayat ng konseho ng lungsod ng Maynila ang 896 na barangay na gumawa ng sariling social media platforms sa harap ng mahalagang papel na ginagampanan ng social media sa pagpaparating ng mga programa at impormasyon.
Ang resolusyon ng City Council na inakda ni Councilor Numero “Uno” Lim ng Second District ng Mayníla at nagtatakda ng social media account na 24/7 na bukas at accessible sa lahat ng constituents ng mga barangay.
“These official accounts can be a good source of news and information about barangay events and services… They provide an efficient forum for community dialogue, as well as requests, complaints, and feedback from residents,” paliwanag ni Lim
Tinatawagan ng pansin ang mga mahalagang tanggapan ng lungsod partikular ang Manila Barangay Bureau, na tulungan ang mga barangay kung paano gumawa ng social media account kasama na rito ang pagtuturo ng wastong content management.
“Social media refers to a variety of interactive technologies that facilitate the sharing of ideas, interests, and other forms of expression among users,” ayon sa resolution.
Nabatid na 4.7 billion na tao o katumbas ng 60 percent ng populasyon ng mundo ang gumagamit ng social media platforms gaya ng t Facebook, Instagram, X ( dating Twitter), TikTok at YouTube.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR