IPINAKITA ng Rizal Police Provincial Office ang mga armas na nakumpiska sa iba’t ibang operasyon ng kapulisan sa naturang lalawigan kay Governor Nina Ricci Ynares.
Ito’y kasabay ng Ceremonial Ynares Eco-System (YES) Christmas Lightning and Presentation of Accomplishment kagabi na ginanap sa Parade Ground Camp MGen. Licerio I Geronimo Taytay, Rizal kung saan pinangunahan mismo ni Rizal PPO Provincial Director, Police Colonel Felipe Maraggun ang pagsalubong sa butihing governor.
Sa isinagawang selebrasyon, ipinakita ang accomplishment ng mga hepe ng kapulisan sa nasabing lalawigan kabilang ang nakumpiskang baril at pagtatanghal ng Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) na nagpasiklab ng iba’t ibang techniques sa bike patrol at pag-aresto.
Kasunod na ng nasabing aktibidad ay ang nakamamanghang pagbubukas ng mga ilaw sa YES Christmas Tree na nagbigay liwanag sa gabi na nagpapakita sa dedikasyon ng Rizal PPO sa pagpapalaganap ng kasiyahan kasama ang mga Rizalenyo.
“Ang kapaskuhan ay panahon ng pagninilay at pasasalamat. Ang seremonya ng pag-iilaw na ito ay nagdiriwang hindi lamang ng Pasko, ngunit ang ating mga pagsisikap na gawing mas ligtas at mas magandang lugar ang Rizal para sa lahat,” ayon kay Maraggun.
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI