November 16, 2024

MGA AKTIBISTA AT PULIS NAGSALPUKAN SA MAYNILA

NAGKAGIRIAN ang mga aktibista at anti-riot police ngayong araw matapos pigilan ang isinagawang kilos-protesta sa labas ng embahada ng US sa Maynila.

Tinangkang buwagin ng mga raliyista ang barikada ng pulisya pero hindi nagpatinag ang mga awtoridad kaya’t binomba sila ng water cannon.

Ilang sandali pa’y dumistansiya ng ilang daang metro sa embahada ang mga nagpoprotesta para doon gawin ang kanilang kilos-protesta at winasak ang effigy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tinawag na puppet ng mga Amerikano.

Matatandaan na pinalakas ng Pilipinas ang relasyon sa United States matapos ang ginagawang pandarahas ng China sa mga barko ng ating bansa sa South China Sea.

Una rito, ilang daang aktibista at manggagawa ang nagmartsa malapit sa gate patungo sa Malacañang upang ipanawagan ang P150 na dagdag na arawang sahod para sa mga ordinaryong mangagagawa.

Ayon sa mga aktibista, hindi sapat ang P610 na kanilang kinikita para pakainin ang kanilang pamilya.

Sa kanyang talumpati ngayong Labor Day, sinabi ni Marcos na ipinag-utos na niya na i-revie ang minimum wage sa bansa.