
Mandaluyong City — Pormal na sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang Brigada Eskwela 2025 ngayong araw sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga aklat; gamit sa paaralan kabilang ang bag at notebooks; uniporme, sapatos at medyas; go bag na naglalaman ng first aid kit, face mask, twalya, at iba pa; at hygiene kit sa mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang pampublikong eskwelahan sa lungsod.
Pinangunahan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang programang ito, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at si Schools Division Superintendent Romela Cruz. Nakiisa rin sa programa ang mga punong-guro mula sa mga pampublikong paaralan sa Mandaluyong.
Isinagawa ang simbolikong turnover ng mga kagamitan ngayong umaga sa flag raising ceremony sa loob ng city hall. Ilang piling estudyante ang tumanggap ng mga gamit bilang kinatawan ng libo-libong benepisyaryo ng proyekto.
Ayon kay Abalos, layunin ng pamahalaan na tulungan ang mga magulang at mag-aaral sa lungsod sa paghahanda para sa nalalapit na pasukan kaya’t patuloy ang pamahalaang lungsod sa pagtalima sa pag-aaral ng mga kabataang Mandaleño.
“Edukasyon ang pinakamagandang puhunan para sa magandang kinabukasan. I would not be where I am now if not for education.”
More Stories
ALAS PILIPINAS PINADAPA NG IRAN SA 5-SET THRILLER
AYALA LAND, TUMINDIG SA ITAAS! Tanging Real Estate Brand sa Top 25 ng Most Valuable Filipino Brands
SARA, ILITIS SA IMPEACHMENT! 8 SA 10 PINOY GUSTONG HARAPIN NI VP ANG MGA PARATANG