KAILANGAN magtalaga ng gobyerno ng isang traffic czar upang tugunan ang matinding trapiko sa Metro Manila.
Sa inilabas na kalatas, iginiit ng Management Association of the Philippines (MAP) na mayroong krisis sa trapiko sa capital region, matapos itong manguna sa listahan ng transportation data specialist sa metro areas na may pinakamalalang trapik noong 2023.
Ayon sa MAP, dapat i-recognize ng gobyerno na ang krisis sa trapiko ay resulta ng pagkabigo sa traffic management. Idinagdag nito na ang isang traffic czar ay dapat italaga ng pangulo at bigyan ng buong kapangyarihan upang pakilusin, pamahalaan at i-deploy ang mga umiiral na government resources upang maibsan ang trapiko sa metro.
Iminungkahi rin ng MAP ang pagbuhay at paglika sa bagong Mabuhay Lanes, na alternatibong ruta upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing lansangan, tulad ng EDSA, C4, C5 at radial roads.
Ayon sa grupo, dapat mahigpit na ipatupad ang mga batas sa lanes na ito, katulad ng pagbabawal sa parking kapag traffic hours at pag-impound sa mga pasaway na sasakyan.
Idinagdag ng MAP na dapat baguhin ang daloy ng trapiko sa Metro Manila sa pamamgitan paglilimita sa left turns at crossings, at pagbabawal sa U-turns, maliban lamang sa mga angkop na lokasyon.
Nanawagan ang grupo sa gobyerno na sumunod sa national transport plan na binuo ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong 2017, na inuuna ang mass public transport kaysa pribadong sasakyan. Sinabi ng MAP na ang plano ay naglalaan ng mas maraming espasyo sa kalsada para sa mga busway at nanawagan para sa paglikha at pagpapalawak ng mga bangketa at bike lane.
Hinimok din ng grupo ang gobyerno na tapusin ang EDSA Busway projhect at isapribado ang MRT-3 at LRT-2 operation upang pagandahin ang kanilang serbisyo.
Hinimok nila ang mga lider na magtayo ng bagong government center, ilipat ang lahat ng national office sa New Clark City, at suspendehin ang pagpapatayo ng mga bagong tanggapan ng gobyerno sa metro.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON