November 3, 2024

Metro Manila, iba pang lugar mananatili sa Alert Level 1

MANANATILI pa rin ang Kalakhang Maynila sa ilalim ng  Alert Level 1.

Ito’y habang nakabinbin ang pagre- review ng  alert level classifications.

Ibig sabihin lamang nito ay mananatili ang umiiral na  coronavirus disease 2019 (Covid-19) alert levels hanggang sa makagawa na ng rekumendasyon ang  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ipatutupad sa bagong alert level system.

Sa kabilang dako, nakatakdang magpulong ang mga miyembro ng  IATF-EID, bukas, Hulyo 18, araw ng Lunes  para pag-usapan ang pagpapatupad ng alert level sa bansa.

“The status quo holds for our alert levels, which the IATF will be reviewing on Monday (July 18),” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Nito lamang Hulyo 15 ang huling araw ng alert level 1 classification sa MM.

Hinggil naman sa alert levels hinggil sa  Covid-19,  kokonsultahin ni Pangulong Marcos si Department of Health Officer in Charge Rosario Vergeire para sa anumang aksyon na gagawin

Samantala, patuloy namang imo-monitor ng IATF-EID ang kalagayan ng pandemiya.

Sa ulat, may kanyang 85 mula sa  121 lalawigan, highly urbanized cities (HUCs), independent component cities (ICCs), at maging  166 ng 744 na iba pang component cities at municipalities, ang inilagay sa ilalim ng Alert Level 1 mula Hulyo 1 hanggang15.

Maliban sa Kalakhang Maynila, ang mga sumusunod na lalawigan, HUCs, at  ICCs ay kasalukuyan ngayong nasa ilalim ng   Alert Level 1:

• Cordillera Administrative Region (CAR : Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga, at Mountain Province

• Region 1 (Ilocos): Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan

• Region 2 (Cagayan Valley) Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino

• Region 3 (Central Luzon) Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, at Zambales

• Region 4-A (Calabarzon): Batangas, Cavite, Laguna, Lucena City, at Rizal

• Region 4-B (Mimaropa): Marinduque, Oriental Mindoro, Puerto Princesa City, at Romblon

• Region 5 (Bicol): Albay, Catanduanes, Naga City, at Sorsogon

• Region 6 (Western Visayas) Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Iloilo City

• Region 7 (Central Visayas) Cebu City, Lapu-Lapu City (Opon), Mandaue City, at Siquijor

• Region 8 (Eastern Visayas) Biliran, Eastern Samar, Ormoc City, Southern Leyte, at Tacloban City

Region 9 (Zamboanga Peninsula) Zamboanga City

• Region 10 (Northern Mindanao) Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camiguin, Iligan City, Misamis Occidental, at Misamis Oriental

• Region 11 (Davao region) Davao City at Davao Oriental

• Region 12 (Soccsksargen): South Cotabato

•Caraga: Butuan City, Surigao del Sur, at Agusan del Norte

• Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (BARMM): Cotabato City

Ang mga sumusunod na component cities at municipalities na nasa ilalim din ng Alert Level 1:

• CAR: Buguias at Tublay sa  Benguet; at Kiangan, Lagawe (Capital), at Lamut sa Ifugao

• Region 4-A (Calabarzon): Atimonan, Candelaria, City of Tayabas, Dolores, Lucban, Mauban, Pagbilao, Plaridel, Polillo, Quezon, Sampaloc, San Antonio, Tiaong, at Unisan sa Quezon

• Region 4-B (Mimaropa): Calintaan, Looc, Lubang at RIzal sa Occidental Mindoro; at Cagayancillo at Culion sa Palawan

• Region 5 (Bicol): Basud, Capalonga, Daet (Capital), San Vicente at Talisay sa  Camarines Norte; Bombon, Cabusao, Camaligan, Caramoan, Goa, Iriga City, Pamplona, Pili (Capital), Presentacion (Parubcan,) San Fernando, San Jose at Tigaon sa Camarines Sur; Balud, City of Masbate (Capital), at Mandaon sa Masbate

Region 6 (Western Visayas) Anini-Y, San Jose de Buenavista (Capital), Sebaste, at Tobias Fornier (Dao) sa Antique; at Cadiz City, Candoni, City of Talisay, City of Victorias, Enrique B. Magalona (Saravia), La Carlota City, Pontevedra, Pulupandan, Sagay City, San Enrique at Valladolid sa Negros Occidental