Pinalawig pa ng Meralco ang September 30, 2020 na grace period sa pagbabayad ng bill sa kuryente hanggang sa October 31, 2020.
Ibig sabihin, walang disconnection notice na matatanggap ang mga customers na hindi makakapagbayad ng kanilang mga bills hanggang sa katapusan ng buwan ng Oktubre.
Sinabi ito ni Meralco President and CEO Atty. Ray Espinosa sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa biglang pagtaas ng singil ng Meralco sa kuryente sa gitna ng pandemic.
“Bilang tugon sa inyong request, ie-extend ko ‘yung suspension ng disconnection hanggang end of October, para mas mabigyan ng panahon ang ating mga customers na makalikom ng sapat na pambayad sa kanilang mga bills,” saad ni Espinosa sa mga mambabatas.
Tiniyak naman ni Meralco Senior Vice President William Pamintuan na hindi agad-agad ang disconnection ng kuryente pagkatapos ng Oktubre dahil tiyak na magbibigay pa rin sila ng grace period dito.
More Stories
Higit P200K shabu, nasabat sa tulak na bebot
Kelot na armado ng baril, arestado sa Malabon
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd