NANAWAGAN ang Manila Electric Company (Meralco) para sa pagpapatayo ng karagdagang power plants matapos ilagay ang Luzon at Visayas grids sa red at yellow alerts ngayong linggo.
Isinagawa ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga ang panawagan matapos pumalya ang ilang planta ng kuryente, dahilan para ilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon sa red alert noong Martes.
“Everybody agrees that what we really need is additional [power] capacity in the system. That means more power plants going on stream, especially new ones,” saad ni Zaldarriaga sa Kapihan sa Manila Bay.
“Because yesterday was an indication… since we were forced to deal with manual load dropping (MLD), that the demand has outstripped the supply. If that is the situation, we have to try and shape the demand through various initiatives,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Head of Utility Economics Larry Fernandez, nalagpasan na rin ang electricity demand sa Meralco franchise areas ang high peak noong 2023 na 8,400 megawatts nitong nakaraang Lunes.
“The maximum peak [electricity] demand for 2023 is 8,400 megawatts. Noong Lunes, nalampasan na [ito]. Na reach na iyong all-time peak demand last year,” ani Fernandez.
“And we expect this to increase until the middle of May which is the usual time for demand power peak, including in Meralco franchise areas,” dagdag nito.
Tiniyak naman ni Zaldarriaga ang kahandaan ng Meralco sa gitna ng mga nararanasang pagnipis ng supply sa kuryente.
Sinisikap daw nilang maiwasan ang mga power interruption sa gitna ng mga pagsasailalim sa yellow at red alerts ng Luzon grid.
Aniya, handa raw sila sa demand side management, at sakali mang kulangin talaga ay kaagad silang mag-aabiso sa posibleng power interruption.
Sa huli, inabisuhan ng MERALCO ang publiko na sanayin pa rin ang pagiging efficient sa paggamit ng kuryente kabilang na ang pag-set sa minimum temperature ng aircon at pagtanggal sa mga saksakan ng appliances kung hindi naman ginagamit.
Sabi ni Zaldarriaga, kung lahat ay magtutulung-tulong, ‘di raw mararanasan ang brownout sa kabila ng mataas na demand ng kuryente.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA