Maghaharap ang Meralco Bolts at Brgy. Ginebra Gin Kings sa ikaapat na pagkakataon. Sa naunang 3 encounters nila, laging panalo ng Ginebra.
Ang lahat ng paghaharap na ito ay sa PBA Gobernor’s Cup.
Gayunman, sa kanilang napagdaanan, nais ni Bolts coach Norman Black na makaisa. Kailangan lang aniya na ma-solved ang puzzle kung papaano talunin ang Ginebra.
Ngayong 2022 PBA Governor’s Cup finals, focus sila para manalo. Kalabisan na aniya kapag natalo pa sila uli. Nang tanungin kung malaki ang tsansa nila, sinabi ni Black na posibleng manalo.
“I like my chances this time around, yes,” aniya. Natuto na raw sila sa kanilang karanasan. Uhaw ang Bolts na masungkit ang kampeonato sa pamilyar ding karibal.
“I think a lot of people look at it as a very competitive rivalry as far as us meeting in the Finals, but they (Kings) have beaten us every time,” aniya.
“It won’t really be a rivalry until we beat them. And that’ll be the goal this time around,” dagdag nito.
Ayon naman kay Gin Kings coach Tim Cone, pinaghahandaan nila ang Meralco. Lalo na’t ito muli ang makakarap nila sa finals. Kaya, pagbubutihin nila ang laro.
“I think Meralco is going to be incredibly motivated, I imagine, playing us for the fourth time,” ani Cone.
Idaraos ang Governor’s Cup finals sa Miyerkules sa Big Dome sa ganap na alas 6:00 ng gabi.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!