Naging tampok sa programa ni Muay Thai Association of the Philippines Secgen Pearl Managuelod sa POC ang tungkol sa pagtatayo ng ‘Mental Health Commission’ at ‘Athletes Calamity Thrust Fund’.
“Madami akong programa sa POC, talagang I like the athete-centered philosophy. We have to develop our athletes in a holistic level.”
“We need to take their post career, transition nila from high performance training. We need to support what their needs,” ani Managuelod, , sa kanyang pagdalaw sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports on Air’.
Si Managuelod ay kabilang sa tiket ni incumbent president ‘Bambol’ Tolentino sa idaraos na POC election sa Nov. 27.
Nais nitong bigyan ng atensyon ang lagay ng mga atleta. Nais niyang bigyan sila ng matibay na pundasyon.
Kabilang sa limang Board member sa tiket ni incumbent president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa gaganaping POC Election sa Nobyembre 27, ang katayuan ng atleta habang aktibo hanggang sa pagreretiro ang nais bigyan ng matibay na pundasyon ni Managuelod.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!