September 8, 2024

Megan Young, sasabak sa ‘Mobile Legends’ tournament for a cause

BITBIT ang buong pagmamahal sa paglalaro at kanyang adbokasiya sa LGBTQIA, sasabak si Megan Young sa Mobile Legends: Bang Bang (ML) tournament for a cause.

Bahagi ang Miss World 2013 titleholder sa “VersUs; The TaskUs Battles,” na magsisimula sa Biyernes, June 19, dakong alas-6:00 ng gabi.

Maari itong mapanood ng mga fans sa Facebook page ng TaskUs, isang customer experience and content moderation company.

Makasasagupa niya si Red Fernandez, isang TaskUs employee at kapwa manlalaro, sa Mobile Games tournament.

“I’ve been learning about HIV awareness and I want to help end the stigma surrounding these conversations,” sambit ni Young sa kanyang Instragram post habang ipino-promote ang paparating na esports benefit battle.

Layunin ng “VersUs: The TaskUs Battles” na makalikom ng pondo para sa HIV advocacy group na LoveYourself.

Ang malikikom sa kanilang exhibition game ay gagamitin para makabili ng HIV test kits at essential antiretroviral medicine para sa mga kliyente ng LoveYourself.