Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr, ang medium term program ay pinaglaanan ng kabuuang ₱205-B upang maimplementa ang kanilang development and modernization program para sa 2023 hanggang 2028.
Nasa ilalim aniya ng medium term program ang konstruksiyon at rehabilitasyon ng mga kasalukuyang prison and penal farms gaya ng Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, Palawan; Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro; San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City; Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte; at ang Davao Prison and Penal Farm sa Panabo, Davao Province.
Gagawín na aniyang moderno ang mga nasabing pasilidad.
Sinabi ni Catapang na tumaaas din ang kailangang pondo na dating nilaanan ng P77.7 billion lalo na at nagkaroon ng karagdagang pasilidad gaya ng quarter para sa BuCor personnel at mga pasilidad para sa mga babaeng PDLs.
Ayon pa kay Catapang, ipatutupad na rin ang land utilization, control and management alinsunod sa Republic Act 10575 o ang Bureau of Corrections Act of 2013.
“…prisons lands previously donated to Local Government Units but were abandoned or not developed for more than five years from the time they were given, shall revert back to the bureau for inclusion in its plans and regular programs to expand and utilize as penal agricultural, industrial, and or commercial production farm,” salig sa nasabing probisyon.
Maliban pa rito, sinabi ni Catapang na iko-convert ang bahagi ng New Bilibid Prison (NBP) Reservation bilang BuCor Global City na panggagalingan ng pondo para sa development and modernization plan na nangangailangan ng P400 billion.
Pinaliwanag ni Catapang na sa ilalim ng long term program ay ang construction ng 16 na regional facilities, isang pasilidad para sa lalake at isa para sa mga babae sa bawat rehiyon maliban sa NCR at ang pagtatayo ng heinous crime facilities sa Fort Magsaysay Military Reservation sa Palawan City, Nueva Ecija (Luzon), Camp Macario B. Palta sa Jamindan, Capiz (Visayas) at Camp Kibaritan, Kalimantan sa Bukidnon (Mindanao). GINA MAPE
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA