May 17, 2024

Medical caravan ng Senior Citizens Partylist umarangkada sa Quezon City

Patuloy sa pag-iikot ang serbisyong medikal caravan ng Senior Citizens Partylist sa pangunguna ni Cong. Ongpong Ordanes.

Lumapag ang caravan ng naturang partylist sa Quezon City na layong mabigyan ng libreng medikal at non-medical ang mga residente lungsod lalo na ng mga senior citizens, tulad na lamang Medical Assistance, Free Pneumonia Vaccine, Free Eye Screening and Reading Glass at marami pang iba.

“Ang aming pagod ay napapawi ng kanilang pasasalamat at ngiti na tunay nakakapagbigay inspirasyon sa amin na pag igihan pa at isulong ang mga programa at benepisyo na para sa kanila. Maraming Salamat sa inyo!” ayon kay Ordones.

Para naman sa susunod na iskedyul ng caravan, maghintay lamang sa karagdagang anunsiyo at antabayan ang kanilang Facebook page na Senior Citizens Partylist – Cong. Ompong Ordanes.