Kasabay ng kanyang kaarawan, pinaringgan ni Irish MMA fighter Conor McGregor si Sen. Manny Pacquiao.
May halong paghahamon ang sagot niya kay Pacman nang batiin siya nito.
BVinati ni Pacman si McGregor ng ‘Happy 32nd birthday’ sa Twitter.
Pinasalamatan naman ni McGregor si Pacquiao na may numerong 170.
“Thank You Emmanuel, 170,” sagot ng tinaguriang ‘ Notorious’.
Nangangahulugan ito na nais makaharap ng UFC fighter ang ‘Fighting Senator’ sa 170 pounds weight limit.
Ibig sabihin nito na nais ni McGregor na harapin ang Filipino boxing champion sa 170 pounds weight limit.
Si Pacquiao sa kasalukuyan ay nasa welterweight division na may 147 lbs limit.
Ang paramdam na hamon ni McGregor ay sagot sa interes ni Pacman na labanan siya.
More Stories
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
TNT vs Rain or Shine, Ginebra vs San Miguel muling magsasagupa
RR Pogoy, susi sa panalo ng TNT