
DAHIL hindi naman malinaw ang isyu tungkol sa ayaw daw kay McCoy De Leon ang doktorang ina ni Ellisse Joson, ay dinededma na lang daw ng kampo nitong aktor ang nasabing isyu.
Ang mahalaga raw sa kanya ngayon ay muling nagkabalikan na sila ni Elisse. Masayang-masaya naman ang fans ng McLisse, dahil nagkabalikan na ngang muli ang tambalan ng kanilang idolo.
Paano pa matutuloy ang kanilang tambalan, gayung si Elisse Joson ay nasa pangangalaga ng ABS-CBN, samantalang si McCoy De Leon naman ay under Viva. Magkaibang bakuran ngayon ang dalawa, papaano pa silang magkakasama. Pero hindi rin naman nawawalan sila ng pag-asa dahil darating ang time na magkakasama rin silang dalawa.
Back in each other’s arm na nga talaga ang dalawa, ang katunayan ay magkasama sila sa isang romantic cruise, at hinahalikan pa ng binata ang dalaga.
Kilig na kilig talaga ang mga fans nang makita nila ang sweet moments picture ng dalawa. Dalangin nga ng kanilang mga fans na pang matagalan na sana ang kanilang relasyon.
More Stories
Hello, Love, Again” pinarangalan ng Box Office Hit Award sa MIFF 2025
AMA NI ANGEL LOCSIN, PUMANAW NA
Baron Geisler pinalaya matapos magbayad ng multa (Nalasing, nagwala)